Dinakip ang isang hinihinalang crime boss sa Taiwan sa isang mall sa Makati City.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes, sinabing dinakip ang suspek ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
May paglabag ang dayuhan sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act matapos madiskubre ng kapulisan ang mahigit 80 ilegal na armas sa kaniyang condo unit noong Marso 2023.
Gayunman, hindi nakita noon ang suspek nang salakayin ng pulisya ang unit.
Maliban sa pagpuslit ng mga ilegal na armas, konektado rin umano amg suspek sa samu't saring scam.
Sinabi ni PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz na nahaharap din ang dayuhan sa mga kasong fraud sa Taiwan.
Nakatakda munang niyang haraoin ang kaso niya sa bansa bago ipade-deport sa Taiwan.
Sinisikap ng GMA Integrated News na makunan ng pahayag ang suspek.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News
Crime boss umano sa Taiwan, timbog sa mall sa Makati
Disyembre 13, 2024 5:53pm GMT+08:00