Tinawag na malisyoso ng Office of the Speaker ang alegasyon na na-stroke at dinala sa ospital ang lider ng Kamara de Representantes na si Leyte Representative Martin Romualdez.

Sa inilabas na pahayag nitong Sabado, sinabi Head Executive Assistant of the Speaker’s Office Lemuel Erwin  Romero, na layunin umano ng nagpakalat ng maling impormasyon tungkol kay Romualdez na, "to mislead the public and sow confusion."

“Speaker  Romualdez is in excellent health and continues to perform his duties with dedication and focus… These allegations are completely untrue and are clearly designed to mislead the public and sow confusion,” giit ni Romero.

 Sinabi pa ni Romero na dumalo si Romualdez sa ilang opisyal na aktibidad noong Disyembre 6, kabilang na ang isang seremonya sa Malacañang, kung saan nilagdaan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ang dalawang bagong batas, na pagtitipon na dinaluhan din ng iba pang mga lider ng Kamara at Senado.

“The event was widely covered by the media, underscoring his active role in advancing these legislative measures,” patuloy ni Romero.

Hiniling ni Romero sa publiko na sa mga verified at official sources of information lamang maniwala gaya ng mga lehitimong media, at ibasura ang mga maling impormasyon na layong sirain ang tiwala ng publiko sa mga lider at institusyon ng bansa.

Sinabi rin ni Batangas Rep. Gerville Luistro, na dapat itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon, at sinabing maayos ang kalusugan ni Romualdez.

"Speaker Martin Romualdez remains in good health and continues to fulfill his duties as a committed public servant with vigor and dedication," ani Luistro.

"These  baseless speculations not only distract from the meaningful work being  accomplished in the House of Representatives but also undermine the  integrity of our public discourse," dagdag niya.
Iginiit ng mambabatas na shared responsibility ng mamamayan sa paglaban sa mga pekeng impormasyon.

'Mag-ingat sa fake news'

Pinabulaanan ni Romualdez ang “fake news” na nagkalat online.

Sinabi ng Speaker nuong Sabado na siya ay nasa "excellent health and fully engaged in his responsibilities as leader of the House of Representatives."

“Mag-ingat na tayo sa fake news,” anya ni Romualdez sa isang panayam ng Sabado ng hapon.

“Andito lang ako buong araw, nag-shooting ng Christmas messages at iba pa. At mamaya manonood ako ng pelikula kasama ng pamilya ko. Kahapon (Friday) naman nakasama ko ang mga governors, nag-dinner po kami.”

 Ang mga maling impormasyon ay maaaring galing sa mga kritiko ng kamara na kumokontra sa mga ginagawang Quad Comm hearings.

“Siguro naman sa mga detractors ng House lalo na sa nangyayari po sa mga hearings natin. Siyempre, may nagbabatikos. Kumbaga, kasama din talaga ‘yan sa trabaho natin pero iwasan na lang natin ang pagkakalat ng fake news,” sabi ni Romualdez.

“These allegations are completely untrue and are clearly designed to mislead the public and sow confusion,” ayon kay Atty. Lemuel Erwin Romero, Head Executive Assistant of the Speaker’s Office.

Tinukoy din ni Romero ang pagpapakita ni Romualdez’s sa Palasyo ng Malacañang nuong Disyembre 5 at 6, kasama ng Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsasalo sa isang Christmas fellowship at pagpirma ng dalawang bagong batas.— mula sa ulat ni Jiselle Casucian/FRJ/RF, GMA Integrated News