Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na matagumpay na naibalik at normal na gumagana ang naputol na hinlalaki ng isa nitong tauhan nang magkaroon ng komprontasyon ang tropa ng Pilipinas at Chinese coastguards sa Ayungin Shoal noong nakaraang Hunyo.

“I would like to report na na-restore na po 'yung thumb, 'yung daliri ng sundalo natin with the help of our doctors, our partners like the Makati Medical Foundation. Naibalik na po 'yung kaniyang daliri. It's now functioning well, normally. I think mga two months ago na naibalik,” sabi ni AFP Chief Romeo Brawner Jr., tungkol sa daliri ni Seaman First Class Underwater Operator Jeffrey Facundo.

Ayon kay Brawner, “free of charge” ang ginawang operasyon kay Facundo.

BASAHIN: China Coast Guard, armado ng patalim, palakol nang harangin ang mga sundalong Pinoy

Bumalik na rin umano si Facundo sa serbisyo sa West Philippines Sea matapos na maibalik ang kaniyang naputol na bahagi ng daliri.

Sakay noon si Facundo ng Philippine Navy nang banggain sila ng mga sasakyang pandagat ng China vessels habang nagsasagawa ng rotation and resupply mission saBRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Humihingi ang AFP ng P60 million in damages mula sa China dahil sa ginawang pagsira at magkuha ng mga tauhan nito sa ilang gamit ng mga tauhan ng Philippine Navy.

Gayunman, sinabi ni Brawner na hindi tumutugon ang China sa demand ng Pilipinas.—mula sa ulat ni Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated News