Inanunsyo ng Malacañang nitong Martes ng gabi na suspendido ang pasok sa gobyerno at mga klase sa paaralan sa buong Luzon sa Miyerkoles, Oktubre 23, 2024, dahil sa inaasahang epekto ng bagyong "Kristine."
Batay umano ito sa rekomendasyon ng Office of Civil Defense at Department of the Interior and Local Government.
Sa ulat ng weather bureau na PAGASA, namataan si Kristine (international name: Trami) sa 390 kilometers east ng Virac, Catanduanes, taglay ang pinakamalakas na hangin na 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 80 kph.
Kumikilos ang bagyo westward sa bilis na 15 km/h, at inaasahang tatama sa kalupaan sa Isabela sa Miyerkoles ng gabi.
Nakataas ang Signal No. 2 sa mga lugar na:
- Catanduanes
- the eastern portion of Camarines Norte (Basud, Daet, Talisay, Vinzons, Paracale, Mercedes)
- the eastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Tinambac, Siruma, Lagonoy, Goa, San Jose, Saglay, Tigaon)
- the eastern portion of Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Malinao, Tiwi)
- the eastern portion of Sorsogon (Barcelona, Gubat, Prieto Diaz)
- the northeastern portion of Northern Samar (Palapag, Mapanas, Gamay, Laoang, Catubig, Lapinig, Pambujan, San Roque)
- the northern portion of Eastern Samar (Jipapad, San Policarpo, Arteche)
Signal No. 1 naman sa:
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Cagayan, including Babuyan Islands
- Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- Aurora
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Zambales
- Bataan
- Pampanga
- Bulacan
- Metro Manila
- Cavite
- Laguna
- Batangas
- Rizal
- Quezon, including Pollilo Islands
- Occidental Mindoro, including Lubang Islands
- Oriental Mindoro
- Masbate, including Ticao and Burias Islands
- Marinduque
- Romblon
- the rest of Camarines Norte
- the rest of Camarines Sur
- the rest of Albay
- the rest of Sorsogon
- the rest of Eastern Samar
- the rest of Northern Samar
- Samar
- Leyte
- Biliran
- Southern Leyte
- Dinagat Islands
- Surigao del Norte, including Siargao - Bucas Grande Group
--mula sa ulat ni Anna Felicia Bajo/FRJ, GMA Integrated News