Matapos ang malakihang taas-presyo sa mga produktong petrolyo nitong nakaraang Martes, rollback naman ang posibleng asahan ng mga motorista sa susunod na linggo.

"We will be expecting a rollback in the prices of petroleum products,” saad ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, batay sa galaw ng kalakalan ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Ang tinatayang price adjustments ay:

    Gasoline - P0.50 to P0.75
    Diesel - P1.00 to P1.15
    Kerosene - P0.90 to P1.00

Ayon kay Romero, ilan sa mga sa inaasahang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang de-escalation ng sigalot sa Middle East, posibleng crude supply surplus sa unang bahagi 2025, mahinang ekonomiya ng China, at inaasahan din na paghina ng konsumo sa krudo sa 2025 dahil sa vehicle efficiency upgrade.

Inaanunsyo ng local oil companies ang fuel price adjustments tuwing Lunes, at ipatutupad sa Martes.

Nitong nakaraang Martes, umabot sa  P2.60 per liter ang iminahal sa preso ng gasolina, P2.70 per liter sa diesel, at P2.60 per liter sa kerosene. --FRJ, GMA Integrated News