Nahuli-cam ang isang lalaki na tumatangay ng isang piso WiFi box na tinatayang P3,000 ang laman at nagkakahalaga ng P15,000 sa Pagbilao, Quezon.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes, mapanonood ang CCTV kung saan nakatayo ang lalaki sa tabi ng piso WiFi box.

Ilang saglit lang, biglang nalaglag ang piso WiFi box mula sa kinalalagyan nito bago niya ito kinuha.

Itinakbo ito ng suspek sa kasama niyang nasa tricycle saka sumakay sa likod ng sasakyan.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nagnakaw. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News