Misyon ng Department of Education (DepEd) na mapahusay ang performance ng nasa walong milyong mag-aaral sa Programme for International Student Assessment (PISA) sa 2025.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing ito ang “immediate goal” ng bagong kalihil ng kagawaran na si Sonny Angara.
Matatandaang inirekomenda ni Angara ang pagbuo ng task force na tututok dito nitong nakaraang Linggo.
Lumabas sa resulta ng PISA 2022 na pang-anim sa pinakamababa ang Pilipinas sa 81 bansa.
Sa larangan ng creative thinking, pangalawa sa kulelat ang mga mag-aaral na Pinoy, batay sa PISA
Nakatakdang gawin ang susunod na PISA sa Marso 2025.
Dumalo si Angara nitong Miyerkoles sa paglulunsad ng Brigada Pagbasa Partners Network, na naglalayong mapahusay ang pagbabasa ng mga batang estudyante.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News