Isinailalim sa state of calamity ngayong Miyerkules ang Metro Manila matapos malubog sa baha ang maraming lugar sanhi ng walang tigil na pag-ulan na dulot ng Habagat at bagyong Carina.

Ilang ilog na ang umabot sa kritikal na antas gaya ng Marikina River, gayundin ang ilang dam.

Bunsod ng pagbaha sa mga lansangan at maging mga kabahayan, marami nang sasakyan ang nalubog sa tubig.

Kaya naman nag-alok ang ilang mall na gamitin ang kanilang mga parking area nang libre sa magdamag. Nagpapagamit din sila ng WiFi, at may phone charging stations.

Narito ang listahan ng mga mall:

Vista Mall

    Evia Lifestyle Center
    Vista Mall Dasmariñas
    Vista Mall Malolos
    Vista Mall Taguig

SM Supermalls

    SM North EDSA
    SM Marikina
    SM Aura
    SM Megamall
    SM Southmall
    SM City Grand Central
    SM Manila
    SM Mall of Asia
    SM Masinag
    SM Muntinlupa
    SM Center Antipolo
    SM City San Mateo
    SM Center Las Pinas
    SM City Taytay
    SM City Caloocan

Ayala Malls

    Market! Market!
    Alabang Town Center
    Ayala Malls Manila Bay
    Ayala Malls Feliz
    Ayala Malls Vertiz North

Robinsons Malls

    Robinsons Galleria South
    Robinsons Galleria
    Robinsons Antipolo
    Robinsons Metro East
    Robinsons Magnolia
    Robinsons Malolos
    Robinsons Manila
    Robinsons Otis
    Robinsons GalleriaVista Mall

Megaworld Lifestyle Malls

    Uptown Bonifacio
    Lucky Chinatown
    Venice Grand Canal Mall
    Eastwood City

Araneta City

    Gateway 1
    Gateway 2
    Ali Mall
    Farmers Plaza

Iba pang mall

    Montalban Town Center
    Malabon Citisquare Mall

 

— FRJ, GMA Integrated News