Nasawi ang isang babae na humingi ng tulong sa mga pulis matapos na siya pa ang barilin sa loob ng kaniyang bahay sa Illinois, USA.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing tatlong beses pinagbabaril ng pulis ang babae, at isa rito ang tumama sa kaniyang mukha.

Nasawi kalaunan ang babae sa ospital.

Ayon sa court documents, rumesponde ang mga pulis sa bahay ng babae matapos siyang mag-ulat na may taong nakapasok sa kaniyang bahay.

Sinuyod ng mga awtoridad ang bahay ngunit wala silang nakita.

Hanggang sa uminit ang pakikipag-usap ng pulisya sa babae.

Sinibak sa trabaho ang nagpaputok na pulis, at sinampahan ng kaso.

Hindi siya nagbigay ng pahayag pero naghain ang pulis ng not guilty plea sa korte.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News