Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki dahil sa panggagahasa umano sa isang miyembro ng LGBTQ community sa Barangay Rosario, Pasig City.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa 24 Oras nitong Martes, sinabi ng Pasig Police na inakala ng suspek na hindi na siya mahuhuli, ngunit pursigido ang biktima na maghain ng reklamo.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang suspek. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News