Ilang araw matapos ihalal ang kauna-unahang babaeng presidente ng Mexico, isang babaeng alkalde sa kanilang bansa ang pinagbabaril at napatay, kasama ang kaniyang bodyguard.
Sa ulat ng Reuters, sinabing tinatayang 19 na tama ng bala ang tinamo ng biktima na si Yolanda Sanchez, alkalde ng Cotija sa estado ng Michoacan sa Mexico.
Patay din ang kaniyang bodyguard sa nangyaring ambush noong Lunes sa kanilang town center.
"A series of threats were made to the personnel of the municipality, ... demanding that the mayor she should prevent or avoid the federal forces from carrying out [security] tasks," sabi ni Michoacan attorney general Adrian Lopez Solis sa inilabas na pahayag noong Miyerkules.
Noong 2023, dinukot si Sanchez ng organized crime group na Jalisco New Generation Cartel (CJNG) habang bumibisita sa katabing estado ng Jalisco.
Kamakailan lang, nanalo si Claudia Sheinbaumon bilang pangulo ng Mexico, na kauna-unahang babae na mamumuno sa kanilang bansa.
Sa panahon ng kampanya, tinatayang 39 na kandidato mula sa iba't ibang posisyon ang pinaslang. — mula sa ulat ng Reuters/FRJ, GMA Integrated News

