Idineklara na ng state weather bureau na PAGASA ang simula ng panahon ng tag-ulan sa Pilipinas nitong Miyerkules.
Sa isang pahayag, sinabi ng PAGASA na naobserbahan nitong nakaraang mga araw ang matinding buhos ng ulan sa western sections ng Luzon at Visayas dulot ng kalat-kalat na pag-ulan, madalas na thunderstorms, ang pagtama ng bagyong Aghon, at ang Southwest Monsoon (Habagat).
''Moreover, the high chance of La Niña conditions [developing] by the July-August-September period increases the likelihood of above-normal rainfall conditions in some areas of the country, especially towards the end of the year,'' dagdag nito.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na maaaring magkaroon pa rin ng "break" sa pag-ulan sa susunod na ilang araw o linggo.
''The public and all concerned agencies are advised to take precautionary measures against the adverse impacts of the rainy season, Habagat, and the impending La Niña, such as floods and rain-induced landslides,'' paalala ng PAGASA.
Una rito, inihayag ng ahensiya na sampu hanggang 13 ang bagyo na inaasahang papasok sa Philippine Area of. Responsibility (PAR) simula Hunyo hanggang Nobyembre ngayong taon.
Ang bagyong Aghon na nakalabas na ng PAR ang unang bagyo sa Pilipinas ngayong taon. —FRJ, GMA Integrated News