Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na dapat nakasaad sa plano ang mga kailangan ng Coast Guard para mapalakas ang kakayahan nito sa pagbabantay at pagtatanggol sa karagatang teritoryo ng Pilipinas, gaya ng West Philippine Sea.
"Our national security and sovereignty are paramount. By ensuring that our Coast Guard is well-equipped and well-funded, we can better protect our territorial integrity against external threats and assert our sovereign rights in these contested waters,” sabi ni Romualdez, na isang Commodore ng PCG Auxiliary.
“This document will serve as a basis for potential legislative action aimed at funding these crucial enhancements.The House of Representatives is committed to backing the Philippine Coast Guard in its vital role,” dagdag ng lider ng mga kongresista.
Sabi pa ni Romualdez, “It’s not just about responding to immediate threats but also about maintaining a presence that underscores our commitment to national and regional security."
Sa usapin ng WPS, makikita ang pagiging dehado ng mga sasakyang pandagat ng PCG kumpara sa mas malalaking barko ng China Coast Guard.
Kamakailan lang, dalawang malalaking barko ng CCG ang magkatulong na bumomba ng tubig sa barko ng PCG sa WPS na malapit sa Bajo de Masinloc.—FRJ, GMA Integrated News