Matapos ang limang dekada, isasara na sa darating na July 1 ang Sofitel Philippine Plaza Manila.
Sa isang pahayag, inanunsyo ng luxury resort na titigil na ang kanilang operasyon sa July 1, "as part of our ongoing commitment to providing our guests and colleagues with the best possible experience."
"The hotel will honor engagements and reservations until the end of June and close its iconic doors thereafter," sa kanilang pahayag.
"We are deeply grateful for the unwavering support and patronage of our stakeholders, employees, and guests who have been instrumental in this long journey," patuloy nito.
Nagbukas ang Sofitel Philippine Plaza Manila noong 1976, at mula noon ay tinuluyan ng mga kilalang tao, kabilang na ang mga pinuno ng iba't ibang bansa, celebrities at maging sa larangan ng negosyo. —FRJ, GMA Integrated News