Isang mass casualty incident simulation ang isinagawa ng Philippine Red Cross sa Mandaluyong City nitong Miyerkoles. 

Mabilis na dumating ang emergency response teams kaya nailigtas ang mga ''sugatan'' matapos na kunwaring tumama ang isang malakas na lindol.

 

Photo: Ian Cruz/GMA Integrated News
Photo: Ian Cruz/GMA Integrated News
 

Bahagi ang pagsasanay ng pagdiriwang ng World Red Cross and Red Crescent Day 2024.

Wala raw tatalo sa parating pagsasanay at paghahanda para sa isang malakas na lindol.

"I think nobody can ever be ready and that is why so much preparation is needed because no matter what we prepare for it will be slightly different so really a lot of preparation is always needed,” sabi ni Johannes Bruwer, head ng ICRC Delegation Philippines.

Dahil walang makapagsasabi kung kailan mangyayari ang matinding kalamidad, lagi raw naghahanda ang Red Cross sa pagtama ng isang malakas na lindol.

“We’re always preparing everyday. When there’s an earthquake nakikita namin yan sa operations center may kumikislap roon and you can see kahit malaki maliit nakikita doon,” paliwanag ni PRC Chairman and CEO Richard Gordon.

Bukod sa mga kalamidad at sakuna, naghahanda na rin daw ang PRC para sa epekto ng isang giyera.

“We’re also preparing for war. In case we have a problem in Taiwan, we’re preparing for first aid. Tinuturo na ngayon ang wartime first aid,” sabi pa ni Gordon. — VBL/FRJ, GMA Integrated News