Nasabat ang isang parcel na idineklarang "dog food" ngunit naglalaman ng ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P85 milyon sa Central Mail Exchange Center sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabi ng Bureau of Customs - NAIA na nanggaling sa The Netherlands ang parcel na dumating noong Marso 19.
Dinakip ang apat na katao na kumuha ng parcel.
Nagmula pa sa Cabanatuan, Nueva Ecija ang nadakip na consignee at may kasama umanong barangay official nang kunin ang parcel.
Patuloy ang pag-iimbestiga at pag-imbentaryo sa nasabat na ilegal na droga para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News