Inilabas na ngayong Biyernes ang resulta ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) para sa Academic Year (AY) 2024-2025.

Sa Facebook post, inanunsyo ng UPCAT–UP System ang mga kumuha ng pagsusulit na mag-log in sa application portal, upcat2024results.up.edu.ph, para sa mga sumusunod na time slots:

    8 a.m.-10:59 a.m. — A-F
    11 a.m.-1:59 p.m. — G-M
    2 p.m.-4:59 p.m. — N-S
    5 p.m.-7:59 p.m. — T-Z
    8 p.m.-onwards — A-Z (free for all)

"For applicants who need to change their registered email address, send us an email with subject heading ‘UPCAT 2024 CEA’ at upcollegeapplications.oadms+upcat2024cea@up.edu.ph," nakasaad sa Facebook post.

Inaatasan ang mga nakapasa sa pagsusulit na sagutin ang alok sa kanila bago ang May 31, 2024.

Isinagawa ang UPCAT-AY 2024-2025 noong June 3 at 4 noong nakaraang taon sa mahigit 100 test centers sa bansa. Ibinalik ang pagsusulit matapos ang lockdowns noong panahon ng COVID-19 pandemic. —FRJ, GMA Integrated News