Umabot sa 19 na insidente ng pagkalunod ang naitala ng Philippine National Police (PNP) ngayong Semana Santa.
Sa datos ng PNP, karamihan sa mga biktima ay mula sa Region 4A na umabot ng pito. Sumunod naman ang Region 2 na may tatlong nasawi.
Dalawa naman sa Region 6, ganoon din sa Region 3 na may dalawa pang nasaktan, at dalawa rin ang nasawi sa Region 1 na may isang nasaktan.
Tig-isa naman ang nasawi sa pagkalunod sa Region 5, Region 8, at Region 11.
Karamihan umano sa mga biktima ay nasa edad 21 hanggang 40, habang limang nasawi ay nasa edad 13 hanggang 20.
Apat naman sa mga biktima ay nasa edad lima hanggang 12 , at may apat na nasa edad 41 hanggang 65.
Nakapagtala rin ang pulisya ng tatlong insidente ng banggaan, dalawang insidente ng nakawan, tatlong kaso ng pang-aabuso sa bata ngayong Holy Week. — FRJ, GMA Integrated News