Isang mananaya ang tumama ng mahigit P64 milyon jackpot sa Superlotto 6/49 draw nitong Huwebes, February 15, 2024.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na ang lumabas na mga numero sa nasabing draw ay 19-10-08-24-20-13, at may kabuuang premyo na P64,105,266.60.

Wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42, na ang lumabas na mga numero ay 09-38-28-22-04-20 na may premyong P5,940,000.

Nasa mahigit P2 milyon na rin ang jackpot sa 6D Lotto na wala ring tumama sa lumabas na mga numero na 3-7-5-0-2-5.

Narito ang iba pang resulta sa lotto. -- FRJ, GMA Integrated News