Bumagsak sa hood ng isang taxi ang debris mula sa railing ng flyover kaninang umaga sa Makati City.

Ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB na lumabas rin sa 24 Oras Weekend, bumangga ang isang SUV sa railing ng EDSA-Estrella flyover.

Sa tindi ng pagbangga, tatlong railing ang natanggal at ang debris ng isa nahulog at bumagsak
 sa hood ng isang taxi sa ilalim ng flyover.

Hindi naman nasaktan ang taxi driver.

Ang SUV driver, dinala sa ospital. Iniimbestigahan na ang aksidente. — BM, GMA Integrated News