Sa pagpasok ng Bagong Taon na 2024, mahalaga na maakit din ang suwerte para maging masagana ang takbo nito, lalong lalo na pagdating sa pamilya. Alamin ang ilang feng shui tips upang mapapasok ang suwerte sa inyong mga tahanan.
Sa Unang Hirit, ipinaliwanag ng feng shui consultant na si Jean Yu Chua na ang kusina ay bahagi ng fire element kaya ang mga kristal ang magbabalanse ng enerhiya nito.
Mainam na maglagay ng crystals gaya ng clear quartz, amethyst at iba pang natural stones para sa mabuting kalusugan, mabalanse ang enerhiya kapag nagluluto, at maging malusog din ang mga kakain.
Ang basket of prosperity naman ay mainam ilagay sa living room para maakit ang wealth at abundance para sa buong 2024.
Ito ay mabuting lucky charm para sa pamilya na nilalagyan ng bigas sa loob at maaaring ilagay sa southeast sector ng living area.
Bukod dito, maaari ring bihisan ng pulang punda ang mga unan.
"Red pillow with an image of a dragon is to invite the prosperity luck for the whole family," sabi ni Chua. "May image of dragon kasi alam natin dragon is an image of power, success and victory."
Kailangan ding maglagay ng water feature sa sala para akitin ang good money flow, dahil kulang ng water element sa 2024. Maaaring ilagay ito sa north sector ng living room.
Kung wala namang water feature, maaaring maglagay ng mga kristal bilang pamalit.
Para sa centerpiece, puwedeng maglagay ng victorious dragon o kahit na anong imahe ng dragon.
Pagdating naman sa kurtina, red, yellow at blue ang mga lucky color. Puwede itong samahan ng siyam na piraso ng imahe ng dragon bilang charm.
"This coming 2024, the number nine is the most powerful number, that's why you can hang nine pieces of dragon to enhance the power, the success and the prosperity," sabi ni Chua.— VBL, GMA Integrated News
ALAMIN: Feng shui tips para papasukin sa tahanan ang suwerte ngayong 2024
Disyembre 30, 2023 6:39pm GMT+08:00