Dalawang babaeng magkapatid at isa nilang kaanak ang nasawi sa sunog sa Malate, Maynila nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni Jamie Santos sa GTV "State of the Nation," sinabing edad 21 at walo ang magkapatid.

Bedridden naman ang isang pang nasawi na 47-taong-gulang.

Nangyari ang sunog na umabot lang sa ikalawang alarma sa Barangay 732 Zone 80, na nagsimula dakong 6:18 pm.

Sa hiwalay na ulat ni Jhomer Apresto sa Super Radyo dzBB, sinabing nakita ang bangkay ng magkapatid na magkayakap sa banyo ng bahay.

 

 

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog. --FRJ, GMA Integrated News