Matagumpay na naisagawa ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng Amerika ang pag-video stream mula sa kalawakan, tampok ang cute na pusang si Taters.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing inilahad ng NASA na gumamit sila ng state-of-the-art laser communication system sa isang spacecraft na 31 milyong kilometro ang layo mula sa mundo para ma-stream mula sa deep space ang 15-second video ni Taters.
Ang matagumpay na video streaming ng NASA ay patunay na posibleng makapag-transmit ng mas mataas na data-rate communications upang suportahan ang mas komplikado pang mga misyon tulad ng pagpapadala ng mga tao sa planetang Mars. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Pusang si Taters, tampok sa unang video na na-stream ng NASA mula sa kalawakan
Disyembre 20, 2023 5:44pm GMT+08:00