Isang mananaya ang nanalo ng halos P6 milyon jackpot prize sa Lotto 6/42 draw nitong Martes, Nobyembre 14, 2023. Pero ang mas malalaking premyo sa Ultra Lotto 6/58 at Superlotto 6/49, hindi tinamaan.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang lumabas na mga numero sa tinamaang Lotto 6/42 draw ay 01-12-21-28-08-18, na may premyong P5,940,000.00.

Samantala, umabot naman sa P124,497,431.00 ang presyo sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58.

Ang lumabas na kombinasyon ng mga numero na hindi tinamaan ay 55-27-56-39-44-57.

Wala ring tumama sa Superlotto 6/49, na ang mga lumabas na mga numero ay 16-39-32-07-01-27, at may premyo na P131,207,351.80.

Hindi rin tinamaan ang 6D Lotto draw na ang lumabas na mga numero ay 2-9-0-1-0-1, at may jackpot prize na P1,069,774.12.-- FRJ, GMA Integrated News