Sa Quezon City naman ngayon tinayaan ang ticket na nanalo ng mahigit P100 milyong jackpot prize sa Megalotto 6/45 nitong Lunes. Noong Sabado, nabili sa Nueva Ecija ang ticket sa Lotto 6/42 na tumama rin ng mahigit P100 milyon.

Sa Facebook page ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang nag-iisang winning ticket na nanalo ng P107,506,074.20. nitong Lunes para Megalotto 6/45 draw ay tinayaan sa lotto outlet sa Barangay Pinyahan sa Quezon City.

BASAHIN: 1 pang mananaya, wagi ng higit P100-M jackpot sa Megalotto 6/45 naman

Ang lumabas na mga numero sa naturang draw ay 13-31-16-01-25-10.

Noong Sabado, nabili naman ang winning ticket sa Bayombong, Nueva Ecija, na may premyong mahigit P102 milyon.

Ang lumabas na mga numero ay 07-34-11-26-05-06.

BASAHIN: P20 na taya sa MegaLotto 6/45, nanalo ng P42.9-M

May dalawa pang major draw na mayroong mahigit P104 milyon ang premyo: ang Superlotto 6/49 at Ultra Lotto 5/58.-- FRJ, GMA Integrated News