Kahit ipit sa dalawang holiday, walang plano ang Malacañang na ideklarang non-working holiday ang October 31, 2023, Martes.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Atty. Cheloy Garafil, batay na rin sa impormasyon mula sa Office of the Executive Secretary.

Una rito, idineklara ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na special non-working day ang October 30, 2023, Lunes, dahil sa gaganaping Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Samantala, special non-working days naman ang  November 1, na Undas, pati na ang November 2. —FRJ, GMA Integrated News