Naghanda ang isang 79-anyos na lolo sa Bacolod City para sa mga hindi inaasahang pangyayari, nang ipa-tattoo niya sa kaniyang braso ang kaniyang permanent address.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Western Visayas, na iniulat din sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing matagal nang pangarap ni Lolo Hernando Maturan na magpa-tattoo.

Kaya noong mga nakaraang araw, hindi lang isa kundi tatlo na ang ipinalagay niyang tattoo.

Kinagiliwan ng maraming netizens nang i-post ng kaniyang tattoo artist na nagpa-tattoo ag kaniyang permanent address sa braso si Lolo Lando.

Ayon kay Lolo Nando, hindi pa siya nag-uulyanin para ipa-tattoo ang lugar ng kaniyang tirahan, ngunit sakali mang may hindi inaasahang pangyayari, madaling matutunton ang kaniyang pamilya. — Jamil Santos/DVM, GMA Integrated News