Nilinaw ni Britney Spears na mga pekeng kutsilyo ang kaniyang ginamit sa kaniyang viral dance video.
“I know I spooked everyone with the last post. But these are fake knives... These are not real knives. No one needs to worry or call the police,” saad ni Britney sa kaniyang Instagram post, na makikita rin sa ulat ni Cata Tibayan sa State of the Nation.
“I'm trying to imitate one of my favorite performers Shakira ... a performance I was inspired by!!! Cheers to us bad girls who aren't afraid to push boundaries and take risks,” dagdag pa niya.
Bago nito, hindi naiwasang mag-alala ng fans ng Pop Princess matapos mapanood ang kaniyang video.
Sinabi ng ilang media sites na dahil dito, nagsagawa ang mga awtoridad ng wellness check sa American singer matapos mag-viral ang kaniyang video. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News