Ipinakita ni David Licauco ang kaniyang bad boy vibes sa kaniyang maiinit na eksena bilang si Carding sa upcoming series na “Maging Sino Ka Man.”

Sa ulat ni Lhar Santiago sa Saksi, mapapanood ang ilang mga maaksyong eksena ni David na hot ang dating suot ang kaniyang denim jacket at itim na sando.

Kaabang-abang din ang kaniyang kilig scenes kasama ang kaniyang leading lady na si Barbie Forteza. — Jamil Santos/DVM, GMA Integrated News