Dahil sa pinsalang dinulot ng Egay, Falcon, at Habagat, magsasagawa ng emergency repairs and DPWH sa ilang kalsada sa Metro Manila, ayon sa report sa Unang Balita netong Miyerkules.
Kabilang diyan ang bahagi ng EDSA busway mula Buendia, Makati City hanggang Muñoz, Quezon City northbound at southbound mula 10 p.m. ng August 4, Biyernes hanggang 5 a.m. ng August 9, Miyerkules.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta gaya ng Skyway. Puwedeng dumaan sa NLEX Balintawak ramp sa Luzon Ave., Plaza Dilao, at Nagtahan.
Kung off ramp naman, maaaring dumaan sa Quezon Ave., Nagtahan, Zobel-Buendia, NAIA-1, NAIA-2, at NAIA-3, Dona Soledad, Doctor Santos, Alabang-Zapote at SLEX elevated extension.
Kung south to north naman ang biyahe, puwedeng dumaan sa on-ramp sa SLEX elevated extension Alabang, Zapote road, Doctor Santos, Doña Soledad, Quirino, Nagtahan, at Quezon Avenue.
Kung off-ramp naman , puwedeng dumaan sa Magallanes, Don Bosco, Amorsolo, Buendia, Quirino, Nagtahan, Quezon Ave., Sgt. Rivera, A. Bonifacio, Balintawak at NLEX.
Puwede din dumaan sa Mabuhay Lanes ang mga pribadong sasakyan. —VAL, GMA Integrated News