Hindi na naman ginamit ng Orlando Magic ang Pinoy pride na si Kai Sotto sa 2023 NBA Summer League kontra sa Indiana Pacers.

Sa naturang laro nitong Martes (Manila time) sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, hindi rin gumana ang mahika ng Orlando laban sa Indiana sa iskor na 108-85.

Nasa lineup ang 7-foot-3 Pinoy center pero nakalista muli bilang DNP (Did Not Play-Coach's Decision) sa ikalawang sunod na pagkakataon, na una ay sa laban kontra sa Detroit Pistons na natalo rin ang Magic.

Kabilang si Sotto sa 22 manlalaro sa Summer League roster ng Magic.

Sunod na makakaharap ng Orlando Magic ang New York Knicks sa Huwebes,  July 13. —FRJ, GMA Integrated News