Mula sa kasalukuyang P570.00, magiging P610.00 na ang daily minimum wage para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa National Capital Region (NCR).
Ang dagdag na P40.00 sa umento ay mula sa inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng Metro Manila, ayon sa Department of Labor of Employment (DOLE).
Ang mga manggagawa sa agriculture sector, service, at retail establishments na may manggagawa na hindi hihigit sa 15, at sa manufacturing sector na hindi hihigit sa 10 ang manggagawa ay magiging P573.00 na daily minimum wage mula sa kasalukuyang P533.00.
Huling nagkaroon ng wage hike sa mga manggagawa sa private sector sa NCR ay noong May 2022 na ipinatupad noong June 2022.
Ayon sa DOLE, tinatayang 1.1 milyon na minimum wage earners sa NCR ang makikinabang sa naturang wage increase.
“About 1.5 million full-time wage and salary workers earning above the minimum wage may also indirectly benefit as a result of upward adjustments at the enterprise level arising from the correction of wage distortion,” ayon sa pahayag ng DOLE.—FRJ, GMA Integrated News