Tinatalakay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglikha ng integrated drainage system sa National Capital Region (NCR) upang hanapan ang solusyon ang problema baha kapag malakas ang ulan.
Sa ulat ni Bam Alegre sa GTV News "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing nagpulong ang MMDA at mga opisyal mula sa mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila upang talakayin ang 50-Year Metro Manila Drainage Master Plan.
Nagpag-usapan na pagsamahin o magsagawa ng integrated drainage system upang tiyaking may dadaluyan ang tubig-ulan para mabilis na humupa ang baha.
Hinihikayat din ng MMDA ang kooperasyon ng publiko sa pamamagitan nang hindi pagtatapon ng basura sa kung saan-saan.
Ayon sa street sweeper na si Norma Corvo, kumpara noon, nabawasan na umano ang mga taong nagtatapon ng basura sa kalsada.
Kasama rin sa tinalakay ng LGUs ang relokasyon ng mga pamilyang nakatira pa rin sa gilid ng mga estero na naantala ang relokasyon dahil sa pandemya.--Sherylin Untalan/FRJ, GMA Integrated News