Inihatid na sa kaniyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City si dating Senador Rodolfo Biazon nitong Martes.

Dahil dati rin siyang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines, ginawaran si Biazon ng full military honors.

Nakipagbiling ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of National Defense at AFP, kabilang sina Defense Secretary Gilbert Teodoro, Defense at military chief Carlito Galvez Jr., at AFP Chief Andres Centino.

Tinugtog sa burial rites ang hymns ng Philippine Marine Corps at Philippine Military Academy, na produkto si Biazon ng Class 1961.

Si Centino ang nagbigay sa asawa ni Biazon na si Monserrat ng watawat ng Pilipinas na ginamit sa libing ng dating senador.

Pumanaw si Biazon noong June 12, sa edad na 88 dahil sa pneumonia. --FRJ, GMA Integrated News