Nagbabala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) patungkol sa pagbili at paggamit ng nauusong laruan na lato-lato na may ilaw.
Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabi ng FDA na hindi sila nakasisiguro sa kalidad at kaligtasan ng naturang laruan.
Ayon sa FDA, hindi pa dumaan sa kanilang pagsusuri ang naturang laruan, at wala pa itong certificate of product notification na rekisito sa pag-apruba para ibenta sa merkado ang produkto.
Babala ng ahensya, posibleng mayroon itong materyales na peligroso sa kalusugan.
Kaugnay nito, inabisuhan din ng FDA ang mga establisyimento na itigil muna ang pagbebenta nito.--Sherylin Untalan/FRJ, GMA Integrated News