Nabisto ng mga awtoridad ang mahigit P19 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa bagaheng anim na buwan nang abandonado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakapangalan ito sa isang Ugandan na dumating sa bansa noong Disyembre ngunit hindi pinapasok kaya pinabalik sa kaniyang country of origin.
Nagmula sa Addis Ababa sa Ethiopia ang bagahe at nakarating sa Pilipinas sa connective flight galing sa Bangkok, Thailand.
Nakikipag-ugnayan na ang PDEA sa Bureau of Customs sa pag-inspeksiyon ng iba pang bagahe.
Iimbestigahan din kung bakit hindi pinapasok ang Ugandan sa bansa. —LBG, GMA Integrated News