Higit 200,000 kaso ng physical bullying ang naitala noong nakaraang school year ayon sa Department of Education.
Bukod pa diyan ang 7,758 na kaso ng cyber bullying, gender-based bullying na nasa 7,800, at social bullying na umabot naman sa 17,258 ayon sa ulat ni Bernadette Reyes sa '24 Oras'.
Pero posibleng mas mataas pa ang aktwal na bilang ng mga kaso dahil mayroon pang mga estudyante na hindi nagsumbong ng mga ganitong uri ng pambu-bully.
Nakakagulat din ang numero ng reported suicide cases na nasa 404 at attempted suicide cases na pumalo naman sa 2,147. Binberipika na ng Deped sa ngayon ang mga report na eto.
Samantala, nag lunsad na ang DepEd ng helpline para sa mga estudyanteng nakakaranas ng bullying at iba pang uri ng pang-aabuso.
Issue din ngayon ang kakulangan ng mga guidance counselors sa mga pampublikong paaralan.
"Nakita nating problema, yung suweldo nila ay 'entry level' na suweldo. Aside from that, yung career progression", ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa. —Sherylin Untalan/VL, GMA Integrated News
DepEd: Mga kaso ng physical bullying sa mga paaralan umabot ng lagpas 200,000
Pebrero 2, 2023 12:01am GMT+08:00