Arestado ang isang lalaki matapos i-hostage ang apat niyang kaanak sa Maynila nitong Linggo.
Sa ulat sa GMA News “Unang Balita” nitong Lunes, sinabing ikinulong ng suspek ang apat niyang kaanak, kabilang ang dalawang menor de edad.
Tumagal ng halos tatlong oras ang hostage-taking bago naaresto ang suspek.
Dati na umanong inireklamo ang suspek sa barangay dahil sa panggugulo na may hawak na itak.
Ayon sa suspek, nagawa niya raw ang krimen dahil sa problema sa kaniyang pamilya. --Mel Matthew Doctor