Hindi naging hadlang ang pagkabulag para libutin ng isang scientist ang iba't ibang bansa sa mundo, at itampok sa kaniyang vlog ang kanilang mayayamang kultura. Ano kaya ang mga kamangha-mangha niyang natuklasan sa pagbisita niya sa Pilipinas?
Sa "Unang Hirit," ipinakilala si Dr. Mona Minkara, na nakapunta na nakapunta na sa Singapore, Tokyo, London, Machu Picchu, Norway at marami pang iba.
"Our mission and vision is to really create this idea that everybody has a right to freedom and everybody has a right to access the world if they want to," sabi ni Dr. Minkara.
Mapapanood ang mga adventure ni Dr. Minkara sa kaniyang YouTube channel na Planes, Trains, and Canes.
"We got to see the different cultures, we got to see how public transportation is in those places and we got to experience some new things," sabi ni Dr. Minkara.
Mapapanood na ang ikalawang season ng kaniyang vlog simula Pebrero 2023.
Sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas, sinubukan ni Dr. Minkara ang diving sa Batangas at pagtatanim ng palay kasama ang mga Aeta sa Pampanga.
"Using the different modes of transportation, I use a tricycle, an Angkas, a jeepney, MRT, LRT. I really love looking at these systems because these systems symbolize freedom and access," sabi ni Dr. Minkara.
"It's really important for blind people to have freedom - freedom of doing what they want to do just like anybody else," dagdag niya.
Edad pitong taong gulang si Dr. Minkara nang siya ay mabulag. Pero hindi ito naging hadlang para abutin niya ang kaniyang pangarap na maging isang scientist.
"Even if you lose your eyesight or even if you lose something else your life isn't over," sabi ni Dr. Minkara. —VBL, GMA Integrated News