Nagpakitang gilas sa pagiging atleta ang mga elepante na game sumipa ng bola sa sarili nilang bersyon ng World Cup sa Ayutthaya Province sa Thailand.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, mapapanood ang pagsipa ng 13 elepante sa soccer ball kasama ang mga estudyante.

Naka-goal ang mga elepante, na pininturahan sa katawan ng mga watawat ng mga bansang kalahok sa ginaganap na World Cup sa Qatar.

Maliban sa kasiyahang dala sa mga manonood ng mga elepante, layon din ng laro na isulong ang turismo ng Thailand. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News