Kung dati ay kahihiyan, itinuturing na ngayong “beautiful scars” ng isang dalaga ang tinamo niyang second at third degree burns matapos ang isang malabangungot na trahediya. Paano nga ba niya ginawang inspirasyon ang kaniyang karanasan?
Sa kuwentong Dapat Alam Mo! ni Katrina Son, sinabing may hapdi pa ring dala ang mga naiwang peklat sa 22-anyos na si Larra Lasam.
Nagsimula ito nang magpunta siya sa banyo noong bata pa siya.
“I didn't know that time that there was some leak or any signs of leak from the gas. When we got in the comfort room, as I was finishing my business up, the entire comfort room blew up. All I saw was flames," sabi ni Larra.
Naipon pala ang singaw ng gas sa kanilang CR kaya ito nagliyab. Sinubukan niyang ilublob ang kaniyang ulo sa balde ng tubig.
"In the hopes that when I resurface I would wake up. It could maybe just be a really bad dream. When I resurfaced, it wasn't. I was actually there, I was actually burning, we were actually burning,” sabi ni Larra.
Matapos ang insidente, sunog ang halos kalahati ng kaniyang katawan, lapnos ang kaniyang mukha, at kinailangan niyang sumailalim sa siyam na operasyon sa ilalim ng general anesthesia.
Nang makalabas ng ospital, nahirapan si Larra na makisalamuha at ipagpatuloy ang kaniyang buhay bilang normal na tao, dahil nag-iba ang hitsura ng kaniyang mukha, braso at hita.
“I was bombarded with the thought of, I look different now. When I got home from the hospital, I specifically told my mom and everyone responsible to cover me with blanket. No friends, no classmates, no neighbor shall see me in the States,” sabi ni Larra.
Dahil din dito, tinakpan ni Larra ang kaniyang mukha ng mask ng walong taon. Sa kabila nito, hindi nakita ng kaniyang pamilya at mga kaibigan ang kaniyang pagkakaiba.
Itinuturing na niya ngayong beautiful scars ang kaniyang mga peklat, nang mapagtantong ayaw na rin niyang ikubli ang kaniyang sarili.
“I had the physical effects of the fire, but my family went through it. Their hearts, their minds, they were going through it just as much as I did,” sabi ni Larra.
“You are more than your scars,” dagdag ng dalaga. — VBL, GMA Integrated News