Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga pamunuan ng mga pampublikong paaralan na dapat boluntayo lamang ang pagsasagawa ng Christmas party.
Iniulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles na bawal ang sapilitang kontribusyon at pakikilahok ng mga estudyante.
Optional din dapat ang pagdadala ng mga costume, dekorasyon, at exchange gift.
Batay sa DepEd Order No. 52 na nilagdaan ni Education Secretary and Vice President Sara Duterte ang naturang kautusan, dagdag ng ulat. —LBG, GMA Integrated News