Pamatay ang mga papremyo sa raffle sa Christmas party ng isang kumpanya. Ang grand prize kasi nila — kabaong!
Ayon sa ulat ni Katrina Son sa Unang Balita nitong Martes, ang grupong Philippine Mortuary Association ang nagdaos ng party kaya naman kakaiba ang mga papremyo nila.
Bukod sa mga kabaong, kabilang din sa mga premyo ay formaldehyde na pang-embalsamo at mga marble urn.
Masaya naman daw ang mga nabunot dahil hindi biro ang presyo ng mga kabaong. —KBK, GMA Integrated News