Nabali ang isang poste ng kuryente sa Caruncho Avenue sa Pasig City at nagresulta sa pagkawala ng kuryente sa lugar malapit sa pinangyarihan.
Maswerte na naman umanong hindi tuluyang bumagsak ang poste sa kalsada dahil sa napigilan ito ng mga kawad na nakakabit.
Iniulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Miyerkules na gawa sa kahoy ang posteng nabali na nagresulta ng pagkawala ng kuryente sa kalapit na lugar.
Nangyari ang insidente noong Martes sa Caruncho Aveneu malapit sa isang simbahan.
Napigil ng dalawang kable ang poste kaya hindi tuluyang bumagsak sa kalsada, ayon sa ulat.
Agad namang rumesponde ang first responders at mga tauhan ng Manila Electric Company (Meralco.) —LBG, GMA News