Dinakip ang tatlong lalaki matapos makita sa kanila ang hinihinalang shabu at drug paraphernalia habang isinasagawa ang Oplan Galugad sa Manila North Cemetery.

Sa ulat ni Bam Alegre sa “Unang Balita” nitong Huwebes, sinabi ng pulisya na personal na gamit ito ng mga suspek at hindi pantulak.

Samantala, inaresto rin ang isang lalaki na may standing warrant of arrest mula sa Pampanga dahil sa kasong trespass to dwelling.

Sinabi ng pulisya na nakahanda na sila para sa Undas. — Jamil Santos/VBL, GMA News