Bumangga ang isang dump truck sa EDSA Busway at tumagas ang langis, kaya kinailangang lagyan ng kusot upang matanggal ang dulas sa kalsada.

Iniulat sa Unang Balita ni Jonathan Andal na nangyari ang insidente dakong alas-kwatro ng magaling araw nitong Huwebes sa may southbound EDSA corner Connecticut.

Ayon sa ulat, may kargang graba ang dump truck.  —LBG, GMA News