Ipinangalan kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos ang bagong hybrid orchid sa Singapore.
Tinawag ang halaman na Dendrobium Ferdinand Louise Marcos, na maraming mamulaklak at may sukat na 50 to 70 cm in length at four cm in width.
Sa kanilang ikalawang araw na state visit sa Singapore, nagtungo sina Marcos sa National Orchid Garden nitong Miyerkules kung saan ipinakita ng mga opisyal ang bagong orchid.
Ayon sa curator na si Whang Lay Keng, ang naturang pagtitipon ay pagpapakita ng magandang ugnayan ng Pilipinas at Singapore.
“We are very honored to have an orchid named after the President and spouse,” ani Whang.
Sinabi rin ni Whang na may orchids din na ipinangalan kina dating Pangulong Corazon Aquino at Rodrigo Duterte, at maging kay dating First Lady Imelda Marcos. —FRJ, GMA News