Sinabi ni Buboy Fernandez, kaibigan at trainer ni Manny Pacquiao na kaya pang sumabak muli ang dating eight-division champion sa isa pang world title. Pero depende umano ito kung magdedesisyon ang Pinoy boxing legend kung babalik sa professional boxing.
Nakatakdang sumabak ang 43-anyos na si Pacquiao sa six-round exhibition match laban sa South Korean martial artist at Youtuber na si DK Yoo sa December sa South Korea.
Nagretiro si Pacquiao noong nakaraang taon matapos matalo kay Yordenis Ugas at paghahanda sa pagtakbo niya sa Presidential election nitong Mayo.
"People have to see that he can make a comeback as long as he is in the right condition especially now that we do not have a world champion," ayon kay Fernandez.
"That is one of the signs that we still need him but it depends on his decision if he wants to return (sa professional boxing) atop the ring," patuloy niya.
Sa kaniyang pagreretiro, taglay ni Pacquiao ang record na 62-8-2 with 39 knockouts. Ayon kay Fernandez, kung magpapasya si Pacquiao na bumalik sa pagiging professional fighter, maaaring labanan niya ang kampeon sa 147-pound division.
"I cannot tell for sure, but it is possible. Only Manny can decide. Why not, so we can have a world champion again. We do not have a world champion now. It is different when it is Manny Pacquiao fighting," sabi ni Fernandez. —FRJ, GMA News