Huli sa CCTV ang pagnanakaw ng isang menor de edad sa nakaparadang bisikleta sa Payatas, Quezon City.
Iniulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Miyerkules na makikita sa CCTV ang isang lalaking nagmamasid, lumapit sa isang bahay, palinga-linga, at nang mamakuha ng tiyempo biglang binuhat ang nakaparadang bisikleta, sinakyan niya ito at biglang aalis sa lugar.
Kuwento ng may-ari, ipinarada lang ng kanyang anak sa labas ang bisikleta dahil kararating lang nito mula sa paglalaro ng basketball.
Halos dalawang buwan pa lamang umano mula nang mabili ang bisikleta sa halagang P4,500, ayon sa may-ari.
Sa tulong ng mga kakilala, natukoy ang kumuha ng bisikleta at napag-alaman na 17-anyos lamang ang suspek sa pagnanakaw.
Nang puntahan ang suspek, hindi na raw ito naabutan sa bahay, at sabi ng magulang hindi na ito umano umuuwisa kanila.
Nakiusap ang ina ng may-ari sa isauli na lamang ang bike.
Nai-report na sa baraangay ang pangyayari. —LBG, GMA News