Humina pa lalo ang halaga ng piso kontra dolyar na nagsara sa P54:$1 ang palitan nitong Lunes. Ito na ang pinakababa mula noong Oktubre 2018.

Ang palitan nitong Lunes ay mas mababa ng 31.5 sentimos kumpara noong Biyernes na nasa P53.75:$1.  Ito na ang pinakamababa mula sa P54.08-$1 na naitala noong October 12, 2018.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, inihayag ng isang ekonomista na ang paghina ng piso kontra sa dolyar ay bunga umano ng pagtaas ng interest rate ng Federal Reserve ng Amerika.

Kasabay daw ito ng pagbaba ng halaga ng ibang pera sa Asya. Maaaring may epekto rin daw sa paghina ng piso ang pagtaas muli ng COVID-19 cases sa bansa.--FRJ, GMA News